PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

May bagsak na grado ‘di kasali sa free tuition

Nilinaw kahapon ni Sen. Bam Aquino na hindi kasama sa makikinabang sa libreng tuition fee sa state universities and colleges (SUCs) sa buong bansa ang mga estud­yanteng may bagsak sa kanilang grado. File

MANILA, Philippines - Nilinaw kahapon ni Sen. Bam Aquino na hindi kasama sa makikinabang sa libreng tuition fee sa state universities and colleges (SUCs) sa buong bansa ang mga estud­yanteng may bagsak sa kanilang grado.

Sinabi ni Aquino na siyang may akda ng kapapasang batas, na nakapaloob sa “Universal Access to Quality Tertiary Education Act” na nilagdaan ni Pangulong Rod­rigo Duterte noong Agosto 3 na ang mga estudyanteng babagsak sa kanilang asignatura ay hindi kuwalipikado para sa libreng matrikula. Hindi rin kuwalipikado sa free tuition ang mga dayuhang estudyante.

Sa kabila nito, bibigyan naman ng pagkakataon ang isang estudyante na bumagsak sa grado na ayusin at ipasa muli ang kanilang subject sa kolehiyo o unibersidad bago makakuha muli ng libreng tuition fee.

Nilinaw din na maaari lamang ma-avail ang free tuition sa “first degree” o unang degree na na-enroll habang ang mga tumigil sa pag-aaral dahil sa kahirapan ay maaaring pumasok at ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral upang makakuha ng free education.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: