PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Honasan nagpiyansa sa kasong graft

MANILA, Philippines – Pansamantalang nakalaya si Sen. Gringo Honasan matapos magpiyansa ngayong Biyernes sa Laguna.

Nagbayad ng P60,000 si Honasan para sa dalawang counts ng graft kaugnay ng umano’y maanomalayang paggamit niya ng kaniyang priority development assistance fund noong 2012.

Bandang alas-10 nang magtungo ang senador kay Judge Teodoro Solis ng Biñan City Regional Trial Court.

READ: Honasan pinaaaresto ng Sandiganbayan sa ‘pork scam’

Bago nito ay sumailalim muna siya sa booking process kabilang ang mugshot at finger prints sa Biñan City Police Station.

Ipinaresto ng 2nd Division ng Sandiganbayan kahapon si Honasan matapos makakita ng probable cause upang ituloy ang reklamo ng Office of the Ombudsman.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Bukod sa senador, walong iba pa ang pinaaresto ng anti-graft court.

Iginiit namana ni Honasan na siya ay inosente.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: