^

Bansa

P3.7-T nat’l budget sasalang na

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
P3.7-T nat�l budget sasalang na

Ayon kay House Appropriations Committee chairman at Davao Rep. Karlo Alexei Nograles, na sa unang araw ng Agosto ay agad nilang uumpisahan ang pagdinig sa 2018 National Budget. File

MANILA, Philippines - Itinakda na ng House Committee on Appropriations ang pagtalakay sa P3.7 trillion 2018 budget na isusumite ngayong araw ng Malacañang sa Kamara.

Ayon kay House Appropriations Committee chairman at Davao Rep. Karlo Alexei Nograles, na sa unang araw ng Agosto ay agad nilang uumpisahan ang pagdinig sa 2018 National Budget.

Ang magpiprisinta ng nasabing budget sa mga kongresista ay ang mga economic managers ng gobyerno sa pangunguna ni Budget Secretary Benjamin Diokno.

Bibigyan naman ni Nograles ng isang buwan ang committee hearing sa budget bago ito isalang sa Plenaryo ng Kamara kaya sa pagtaya niya ay sa Setyembre 4 ay maisasalang na ito sa plenaryo.

Hudyat na rin ito ng debate at interpelasyon sa budget na inaasahang aabot ng 10 araw bago maisalang sa botohan para sa second reading at posible rin maipasa sa third reading bago magtapos ang Setyembre.

Sinabi naman ni Nog­rales, na sisiguruhin ni­lang may nakapaloob na sa 2018 budget na alokasyon para sa rehabilitasyon ng Marawi City.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with