Selda ni Imee, 3 justices pinasilip sa media
MANILA, Philippines - Ipinasilip na ng House Committee on good government and public accountability sa mga mamamahayag ang detention rooms na maaaring pagkulungan kay Ilocos Norte Governor Imee Marcos at tatlong mahistrado ng Court of Appeals kaugnay sa hindi tamang paggamit ng pondo ng Tobacco excise tax.
Personal na inilibot ni Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel ang mga mamahayag sa posibleng kulungan kay Marcos at tatlong CA Justices kung patuloy nilang babalewalain ang kautusan na inilabas ng Kamara kaugnay sa umanoy iregularidad na pagbili ng mga sasakyan ng Ilocos Norte Provincial government.
Ang dating sergeant at arms satellite office na matatagpuan sa ikatlong papalabag ng House of Representatives main building ang posibleng maging detention room ni Marcos. Ang nasabing kwarto ay airconditioned at mayroong reception area, may pribadong kwarto at hiwalay na comfort room, mayroong internet at television at maari rin makagamit ng cell phone ang gobernadora.
Samantala ang dating tanggapan ng Congressional Spouses Foundation Inc. na matatagpuan sa ikatlong palapag ng main building ng Kamara posibleng maditine sina CA Associate Justices Stephen Cruz, Nina Antonino-Valenzuela at Edwin Sorongon na nag isyu ng release order ng Ilocos 6.
- Latest