^

Bansa

2 araw na coding hirit ng MMDA

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
2 araw na coding  hirit ng MMDA

Sinabi ni Metro Manla Development Authority (MMDA) Chairman Danilo Lim sa pagdinig ng  House committee on transportation, kailangang mabawasan ang volume ng mga sasakyan kaya maaaring magsakripisyo ng kaunti ang publiko para sa lahat sa pamamagitan ng dalawang araw kada linggo ng hindi paggamit ng sasakyan. File

MANILA, Philippines -  Sakaling suportahan ng mga alkalde sa Metro Manila, gagawin nang da­lawang araw ang number coding ng bawat sasakyan sa Kamaynilaan.

Sinabi ni Metro Manla Development Authority (MMDA) Chairman Danilo Lim sa pagdinig ng  House committee on transportation, kailangang mabawasan ang volume ng mga sasakyan kaya maaaring magsakripisyo ng kaunti ang publiko para sa lahat sa pamamagitan ng dalawang araw kada linggo ng hindi paggamit ng sasakyan.

Paliwanag ni Lim, mayroong 2.5 milyon hanggang 2.6 milyong rehistradong sasakyan sa Kamaynilaan at ito ?ay 30 porsyento ng lahat ng sasakyan sa buong bansa subalit ang road network umano sa Metro Manila ay limang porsyento lamang ng kabuuang road network sa Pilipinas.

Giit pa niya, napakahirap umanong gumawa ng solusyon kung parami ng parami ang sasakyan habang hindi naman nadadagdagan ang kalsada.

Kaya giit ni Lim, ka­ila­ngan ng bawasan ang mga sasakyan na gumagamit sa lansangan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with