^

Bansa

Pinoy pilgrims inalarma sa terror attack sa Mecca

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

Suicide bomber pinasabog ang sarili....

MANILA, Philippines - Nakaligtas ang mahigit isang milyong Muslim kabilang ang libu-libong Pinoy pilgrims na taimtim na nagdarasal sa pagtatapos ng Ramadan o Eid’l Fitr matapos na isang suicide bomber ang pinasabog ang sarili sa bigong paghahasik ng terorismo sa banal na lugar sa Mecca, Saudi Arabia.

Inaalam na ng Embahada ng Pilipinas sa Riyadh kung may Pinoy na nasaktan sa pagsabog matapos ang ulat na anim na dayuhan ang sugatan sa insidente.

Pinaalalahanan ng Embahada ang mga Pinoy pilgrims na nasa Mecca na mag-ingat at maging mapagmasid sa kanilang paligid sa lahat ng oras.

Ayon sa Interior Mi­nistry ng Saudi Arabia, nagsagawa ng mga pagsalakay ang Saudi security forces sa paligid ng Jeddah at dalawang lugar sa Mecca kabilang na ang Ajyad Al-Masafi kung saan malapit na nagdarasal ang mahigit milyong debotong Muslim sa Grand Mosque nitong Biyernes.

Sinabi ng Saudi authorities na napigil nila ang planong pag-atake sa Mecca matapos ang raid sa lugar sanhi ng engkuwentro sa isang tatlong palapag na gusali kung saan nagtatago at nagpaplano ang isang suicide bomber at mga kasamahan. Pinasabog umano ng suicide bomber ang kanyang sarili sanhi upang sumambulat at bumagsak ang gusali.

Namatay noon din ang suicide bomber habang anim na dayuhan at limang miyembro ng Saudi security forces ang nasugatan habang nasira ang mga nakahimpil na sasakyan malapit sa gusali.

May limang katao kabilang na ang isang babae ang inaresto ng mga awtoridad sa nasabing pagsalakay.

Hindi pa tinukoy ng Saudi authorities kung anong grupo ng mga te­rorista ang responsable sa tangkang terror attack sa Grand Mosque.

Kinondena naman ng ilang Muslim countries kabilang na ang Foreign Ministry ng Iran ang nasabing foiled terror plot sa Mecca.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with