^

Bansa

Pinoy seaman hulog sa barko sa Malta, patay

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon
Pinoy seaman hulog sa barko sa Malta, patay

Sa lumabas na ulat sa Times of Malta and Independent, ang 57-anyos na Pinoy na pansamantalang hindi tinukoy ang pangalan ay nahulog umano sa naturang barko dakong alas-4:45 ng madaling-araw. File

MANILA, Philippines - Isang tripulanteng Pinoy ang nasawi matapos na umano’y mahulog sa ikaapat na palapag ng kinalululanang container ship sa Malta Freeport sa Malta noong Huwebes.

Sa lumabas na ulat sa Times of Malta and Independent, ang 57-anyos na Pinoy na pansamantalang hindi tinukoy ang pangalan ay nahulog umano sa naturang barko dakong alas-4:45 ng madaling-araw.

Ang insidente ay naganap habang abala ang mga kasamahang crew ng biktima sa paghahanda upang magpakarga ng gasolina ang kanilang sinasakyang barko.

Agad na nagpadala ng mga manggagamot sa lugar subalit idineklarang dead-on-the spot ang Pinoy seaman.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga awtoridad sa pagkamatay ng nasabing Pinoy.

“Although Malta Freeport was not involved in the refueling operation, our duty manager was informed immediately and reacted promptly to ensure medical services were on the scene as quickly as possible. Unfortunately, however, nothing could be done to save the crew member’s life,” ayon kay Alex Montebello, CEO ng Freeport na nagpahatid na ng pakikiramay sa pamilya ng biktima.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with