^

Bansa

Sa banta ng BIFF na next target siya Digong: ‘Di ako takot!

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Sa banta ng BIFF na next target siya Digong: �Di ako takot!

Hindi ikinababahala ng Malacañang maski ng Armed Forces of the Phi­lippines (AFP) ang direktang banta ng Bangsa­moro Islamic Freedom Fighters (BIFF) laban kay Pangulong Duterte. File

 

MANILA, Philippines - Hindi ikinababahala ng Malacañang maski ng Armed Forces of the Phi­lippines (AFP) ang direktang banta ng Bangsa­moro Islamic Freedom Fighters (BIFF) laban kay Pangulong Duterte.

Magugunitang iniha­yag ng BIFF na matapos ang pag-atake sa Pig­cawayan, North Cotabato, sunod nilang target ay mismong si Pangulong Duterte na.

Sinabi ni Gen. Gilbert Gapay, deputy comman­der ng Eastern Mindanao Command, ang bantang ito ng BIFF ay maitutu­ring lamang na ‘desperate pronouncement’ o desperadong pahayag.

Ayon kay Gen. Gapay, ang ginawang pag-atake ng BIFF sa Pigcawayan ay diversionary o retaliatory attack matapos ang natamong major setback sa kanilang ‘stronghold’ sa Maguindanao.

Sa kabila nito, magpapatupad naman ang Presidential Security Group (PSG) ng security adjustment at assessment para masiguro ang seguridad ng Pangulo sa gitna ng banta ng BIFF.

Sinabi naman ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, hindi siya nagpahayag ng anumang pagkabahala sa bantang ito ng BIFF sa Pangulong Duterte.

Katunayan nga daw ay walang ground support partikular sa Muslim community na nakukuha ang naturang grupo kaya ipaubaya na lamang sa militar ang pagtugon dito.

Magugunita na nagsagawa ng pag-atake ang BIFF kamakalawa sa Pigcawayan, North Cotobato kung saan ay sinira pa ng mga ito ang larawan ni Pangulong Duterte at nagsulat sa blackboad ng paaralan na kanilang pinasok ng mga mura laban sa Pangulo.

Iginiit pa ni Gapay na walang kinalaman sa Marawi crisis ang ginawa ng BIFF sa Pigcawayan at hindi ito spillover ng Marawi incident na ini­lunsad naman ng Maute.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with