^

Bansa

6 iskul sa Marawi, wasak sa bomba

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
6 iskul sa Marawi, wasak sa bomba

 Anim na pampublikong paaralan sa Marawi City ang hindi na mapapakinabangan makaraang mawasak dahil sa bomba matapos gawing kuta ng Maute. AP/File

MANILA, Philippines -  Anim na pampublikong paaralan sa Marawi City ang hindi na mapapakinabangan makaraang mawasak dahil sa bomba matapos gawing kuta ng Maute.

Ayon kay DepEd Sec. Leonor Briones, sa oras na matigil ang armed confict sa Marawi ay kailangang isailalim sa total rehabilitation ang anim na paaralan.

Sinabi ni Briones, matatagalan pa bago tuluyang maitayo ang mga gutay-gutay na paaralan kaya siya umaapila sa publiko at malalaking kumpanya na mag-donate muna ng mga tent at school desk o upuan na maaaring pansamantalang magamit ng mga estudyante sa oras na mag-resume ang klase sa Marawi.

Sa ngayon ani Briones, ay ginagawa nila ang lahat ng paraan upang muling maipagpatuloy ng mga batang bakwit ang kanilang pag-aaral.

Tiniyak din ni Briones na tuloy-tuloy pa ring ibibigay at matatanggap ng mga guro sa Marawi City ang kanilang suweldo sa kabila ng suspension ng klase.

Una dito ay nanawagan si Briones sa publiko na mag-donate ng tsinelas, sapatos at iba’t-ibang uri ng school kits na maaaring magamit ng mga estud­yante.

Tinatayang nasa 20,000 mag-aaral sa mga pampublikong paaralan sa kinder, elementary at high school sa Marawi ang nanga­ngailangan ng tulong.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with