^

Bansa

100 Maute nakatakas na sa Marawi!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
100 Maute nakatakas na sa Marawi!

Bakas sa wasak na mga bahay na ito ang matinding labanan ng tropang gobyerno at Maute sa Marawi City. Patuloy pa rin ang sagupaan na nasa ika-isang buwan na ngayon.   (AFP)
 

Nagpanggap na evacuees

MANILA, Philippines -  Nakatakas na umano sa battle zone ang nasa 100 pang Maute matapos magpanggap na evacuees.

Ayon kay Lt. Col. Jo-ar Herrera, spokesman ng Joint Task Force (JTF) Marawi at 1st Infantry Division (ID), sa kasalukuyan ay nasa 100 Maute na lang ang target ng kanilang ope­rasyon sa lungsod.

Sinabi ni Herrera na nakatanggap sila ng impormasyon na nagawang makatakas ng mga terorista matapos abandonahin na ang kanilang mga armas at sumabay sa mga evacuees at na-trap na sibilyan.

“The terrorists are knowledgeable of the terrain here in Marawi City. They are also using that advantage to slip out of the area to escape,” ani Herrera.

Una nang ibinulgar ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, na mula sa 100 ay biglang dumami ang mga kalaban na tinatayang nasa 400-500 ang puwersa kabilang ang mga dayuhang jihadists. 

Sa kasalukuyan, ayon kay Herrera simula ng sumiklab ang bakbakan noong Mayo 23  ay nasa 276 Maute terrorists ang napatay at 26 ang nasawing sibilyan.

Ayon pa sa opisyal, 67 naman ang mga bayaning security forces na nagbuwis ng buhay habang 461 ang nasugatan.

Naitala naman sa 1,658 sibilyan na na-hostage at na-trap sa bakbakan ang nailigtas.

Apat pa sa kabuuang 96 barangay sa Marawi City ang ikinokonsidera pang ‘problematic areas’ o sentro ng sagupaan.

Nabatid na nagtamo ng maraming casualties ang tropang gobyerno dahil nagkalat ang mga itinanim na Improvised Explosive Device (IED) habang nagsasagawa ng clearing ope­rations ang militar sa mga bahay-bahay sa Marawi na pinagtaguan ng mga terorista.

Kaugnay nito, sinabi naman ni AFP Chief of Staff Gen. Eduardo Año na nag-iingat ang militar upang bigyang proteksyon ang mga inosenteng sibilyan laban sa mga terorista.

“We wanted to minimize the destruction of properties and we want to save lives of civilians. If we will assault and do bombings indiscriminately, it would be easy…but there are trapped civilians kawawa naman,” anang opisyal.

“Methodical, deliberate and carefully (we conduct) house to house, building by building, floor by floor (clearing operations). It’s precise…we don’t bomb buildings with civilians,” ayon pa kay Año.

Kaugnay nito, inatasan na ng heneral ang military engineers upang maghanda sa rehabilitasyon ng lungsod ng Marawi  na agad na pasisimulan kapag naitaboy at nalipol na ang lahat ng teroristang naghasik ng kaguluhan dito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with