Publiko pinag-iingat vs scammers
MANILA, Philippines - Nagbabala kahapon ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na huwag maniniwala sa mga scammers na ginagamit ang sitwasyon sa Marawi City upang makalikom ng pera.
Ayon kay AFP spokesman B/Gen. Restituto Padilla, huwag magpapaloko sa mga scammers na nagpapanggap na lehitimong organisasyon at nangangalap ng pondo para sa mga nasawi at nasugatang sundalo na nakikipaglaban sa Maute group sa Marawi City.
Sinabi ni Gen. Padilla, ang tanging lehitimong account ng AFP kung saan puwedeng magdeposito ng donations ang mamamayan para sa sugatan at nasawing sundalo ay ang AFP Marawi Casualty na may account number 00000552107128 at Marawi IDP na may account number 00000552107136.
Sinabi naman ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, ang AFP Marawi Casualty account ay mayroon ng P508,500 mula sa P224,000 kahapon at P187,500 naman para sa Marawi IDP account.
“Please be reminded that this is the only official depository account and please do not give especially financial donations to any other supposed solicitations. Please take note that the only depository bank is Land Bank of the Philippines,” paliwanag pa ni Abella.
- Latest