Bongbong ‘tuliro’ na sa poll protest
MANILA, Philippines - Natutuliro na umano si dating Sen. Bongbong Marcos dahil sa panibagong mosyon na ihinain nito sa Presidential Electoral Tribunal (PET) kaugnay ng kanyang election protest laban kay Vice Pres. Leni Robredo.
Ganito inilarawan ng abogado ni Robredo sa PET ang mosyon ni Marcos na i-decrypt at iimprenta ang ballot images ng may 17,811,543 balota mula sa 36,465 clustered precincts.
“(It) shows that Marcos is a confused lot not knowing whether to decrypt the ballots or revise or recount the ballots as prayed for in his election protest,” pahayag ni Atty. Romulo Macalital.
Ayon kay Macalintal, nakapending pa ang isyu sa revision o recount ng mga balota sa PET dahil kinuwestiyon ng mga ito ang election protest ni Marcos dahil insufficient in form and substance ang reklamo ng dating senador dahil hindi idinetalye ang mga clustered precint na kanyang iprinotesta.
Bukod dito, ang mosyon ni Marcos na idecrypt ang mga balota ay premature aniya dahil sa ilalim ng Rule 37 ng PET, ginagamit lamang ito na remedyo kapag kuwestiyonable ang mga ballot boxes dahil hindi naipreserba ang mga laman nito.
Pero ang ipinagtataka ni Macalintal ay kung saan kukunin ni Marcos ang ibabayad nito sakaling magtagumpay ito sa kanyang bagong mosyon dahil aabot sa mahigit P218 million ang kanyang babayaran.
“How Marcos would pay the tremendous and huge cost of decrypting these ballots. The estimated cost to decrypt one precinct is 6,000.00 pesos or a total of 218,790,000.00 pesos?,” tanong ni Macalintal.
- Latest