PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Villar hindi ipagbabawal ang ‘unli rice’

MANILA, Philippines – Nilinaw ni Sen. Cynthia Villar na wala siyang balak na ipagbawal ang pagkain ng unlimited rice.

“I am not planning to make a law banning “unli rice,” not at all. I just voiced out my concern that eating too much rice is one of the main causes of high blood sugar that leads to diabetes,” wika ni Villar ngayong Huwebes.

Ang pagbabawal ng unlimited rice promos sa mga restaurants ang makakatulong umano upang mas maging mainam ang kalusugan ng mga Pilipino at mapanatili ang sapat na supply ng bigas sa bansa.

BASAHIN: Netizens umalma sa ‘unli rice ban’ ni Villar

Ngunit aminado ang senadora na hindi niya mapipigilan ang pagtangkilik ng nakararami sa unlimited rice.

“I cannot prevent people from eating unlimited amount of rice. It is their choice. It was just a genuine expression of concern on my part,” sabi ni Villar.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Maraming netizens ang umalma sa naging pahayag ni Villar, ang iba ay idinaan sa katatawanan sa Twitter ang mga sintimiyento.

Nangyari ang nasabing pahayag sa nakalipas na Senate hearing sa rice importation.

Ayon kay Villar, ang ibang bansa ay inilulunsad ang balanseng pagkain sa pamamagitan ng konting kanin at madaming gulay.

“In schools in Japan, the students even discuss the nutritional value of their meals for the day before they eat. They also harvest the vegetables they eat from the garden in their school. Of course, we want our children and children’s children to grow up healthy,” dagdag ni Villar.

Sa kasalukuyan, 97 percent rice self-sufficient ang bansa.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: