^

Bansa

9 sibilyang pinaslang ng Maute, natagpuan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
9 sibilyang pinaslang  ng Maute, natagpuan

Sa report na nakarating sa 1st Infantry Division ng Philippine Army, ang natagpuang mga pinaslang na sibilyan ay pawang nakagapos ang mga kamay at tadtad ng mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan. File

MANILA, Philippines -  Natagpuan na nitong Sabado ng umaga ang nagsisimula nang maagnas na bangkay ng siyam na sibil­yang iginapos at brutal na pinaslang ng Maute terrorists matapos harangin ang truck ng mga ito sa highway ng Marawi City  sa kasagsagan ng bakbakan noong Martes.

Sa report na nakarating sa 1st Infantry Division ng Philippine Army, ang natagpuang mga pinaslang na sibilyan ay pawang nakagapos ang mga kamay at tadtad ng mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Gayunman, hindi pa isinapubliko ang pagkakakilanlan sa mga biktima na driver at mga pahinante ng truck dahilan mainit pa ang bakbakan sa lugar.

Base sa inisyal na imbestigasyon, ang mga biktima ay lulan ng truck na naharang sa checkpoint ng mga armadong terorista  na pinababa sa behikulo, iginapos ang mga kamay saka niratrat.  

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with