^

Bansa

Evacuees sa Marawi City lumobo na sa 34,740 katao

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Evacuees sa Marawi City  lumobo na sa 34,740 katao

Sa report ng Autonomous Region in Muslim Mindanao–Humanitarian and Emergency Action Response Team (ARMM-HEART), ang mga nagsilikas ay nanuluyan sa mga evacuation centers. Ang iba naman  sa mga evacuees ay nakituloy sa kanilang mga kamag-anak  sa mga ligtas na lugar. File

MANILA, Philippines -  Lumobo na sa mahigit 5,000 pamilya o kabuuang 34,740 katao ang mga evacuees o mga nagsilikas  na residente sa takot na maipit sa bakbakan sa pagitan ng tropa ng militar at ng Maute–Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) group sa Marawi City, Lanao del Sur.

Sa report ng Autonomous Region in Muslim Mindanao–Humanitarian and Emergency Action Response Team (ARMM-HEART), ang mga nagsilikas ay nanuluyan sa mga evacuation centers. Ang iba naman  sa mga evacuees ay nakituloy sa kanilang mga kamag-anak  sa mga ligtas na lugar.

Ang Maute-ISIS terror group ay nanunog ng mga gusali sa lungsod habang nangbihag rin ng mga sibilyan kabilang ang isang pari at mga staff ng Simbahang Katoliko.

 Nasa 120 ang hostages na nasagip ng tropa ng militar habang tinataya namang nasa 15 pa ang hawak ng mga terorista kabilang si Fr. Chito Suganob ng St. Mary’s Cathedral samantalang maliban dito ay may mga naiipit na sibilyan sa nasabing bakbakan.

Ayon naman kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Spokesperson Romina Marasigan, nagpadala na sila ng mga relief goods para sa mga evacuees sa  lungsod ng Marawi.

Inihayag ni Marasigan na nasa 5-10% pa ng mga residente ang naiipit sa bakbakan matapos ang mga itong tumangging magsilikas.  

Sa report karamihan sa mga nagpaiwang residente ay mga sympathizers ng Maute-ISIS habang ang iba naman ay mga kamag-anak ng mga miyembro at lider ng mga ito.

Sa tala, nasa 90% pa ng kabuuang populasyon sa Marawi City ang nailikas pero nasa 1,333 residente pa rin ang na-trap sa bakbakan sa lugar. Nasa 201,700 ang kabuuang residente ng lungsod.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with