^

Bansa

Narco-terrorism sa Marawi

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Narco-terrorism   sa Marawi

Ito ang ibinunyag kahapon ni Armed Forces of the Philippines-Western Mindanao Command Chief Lt. Gen. Carlito Galvez Jr., kaugnay ng patuloy na operasyon upang mabawi ang mga instalasyon ng gobyerno at maging ang mga pribadong gusali na kinubkob ng Maute-ISIS terror group. Lawyer Maki Datu-Ramos, file

Ibinulgar ng militar

MANILA, Philippines -  Nagsanib umano ng puwersa ang mga pulitikong sangkot sa droga at maging ang Maute-Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) sa patuloy na krisis sa Marawi City  Lanao del Sur na nasa ikalimang araw na ang bakbakan.

Ito ang ibinunyag kahapon ni Armed Forces of the Philippines-Western Mindanao Command Chief Lt. Gen. Carlito Galvez Jr., kaugnay ng patuloy na operasyon upang mabawi ang mga instalasyon ng gobyerno at maging ang mga pribadong gusali na kinubkob ng Maute-ISIS terror group.

Una nang isinailalim sa martial law ni Pangulong Rodrigo Duterte ang buong Mindanao upang supilin ang terorismo matapos ang marahas na pag-atake ng Maute-ISIS group sa lungsod ng Marawi noong Martes kung saan bumihag ang mga ito ng mga sibilyan na ang iba ay brutal pang pinaslang at nanunog rin ng mga gusali.

Ayon kay Galvez, dahilan sa pagbibigay ng suporta ng mga pulitikong sangkot sa droga sa naturang grupo ng mga lokal at dayuhang terorista ay lumakas ang puwersa ng mga ito na nagawang makapagsagawa ng raid sa lungsod.

Ang nasabing mga narco-politicians umano na tumanggi munang tukuyin ng heneral ang mga pagkakakilanlan ang sumusuporta at nagkakanlong sa nasabing mga terorista kaya nagsisilbi itong balakid sa misyon para mapanumbalik ng tropa ng pamahalaan ang kapayapaan.

Kasabay nito, nana­wagan naman ang opisyal sa Moro Islamic Liberation Front  na huwag makigulo sa bakbakan kaugnay ng posibleng reinforcement sa grupo ng Maute-ISIS terrorist dahilan umano sa magkakadugo ang mga ito.

Sa kasalukuyan, patuloy rin ang surgical air strike operations ng mga fighter plane ng Philippine Air Force sa mga natukoy na lugar na pinagkukutaan at pinagtataguan ng tinutugis na grupo ng Maute -ISIS terror group.

 Sa tala, simula ng sumiklab ang bakbakan noong Mayo 23, nasa 15 na ang nasasawi sa security forces kabilang ang 13 sundalo at dalawang pulis habang nasa 55 naman ang nasugatan. Ang Maute- ISIS terror group ay nakapagtala naman ng tinatayang mahigit sa 30 napatay sa umaatikabong bakbakan sa Marawi City.

 Kaugnay nito, sinabi naman ni AFP Chief of Staff Gen. Eduardo Año na ikinokonsidera na ng militar na ibilang sa mga kinatatakutang terorista sa buong mundo ang Maute na nakipag-al­yansa na sa ISIS base na rin sa pagbubulgar ni Pangulong Rodrigo Duterte kamakalawa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with