^

Bansa

Nagalit, nagpakita pa ng baril sa towing team OMB agent kakasuhan ng MMDA

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinaiimbestigahan at pinakakasuhan ni bagong talagang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Danilo Lim ang isang agent ng Optical Media Board (OMB) na nag-display ng kanyang baril sa towing team na accredited ng ahensiya sa Quezon City.

Inatasan ni Lim si MMDA General Manager Tim Orbos, na imbestigahan ang insidente.

Base sa report noong Miyerkules (Mayo 24), alas-­9:24 ng umaga ay nagsagawa ng illegal parking operation ang accredited towing team ng MMDA sa panulukan ng Scout Tobias at Scout Limbaga sa Quezon City, kung saan nakaparada sa lugar ang sasakyan ng agent ng OMB na si Ronnie Tampingco.

Dahil naka-illegal parking ang sasakyan ni Tampingco, hinatak ito ng towing team ng MMDA.

Nagalit ang naturang agent at ipinakita pa nito umano ang nakasukbit na baril sa bewang nito.

Lalo umano itong nagalit nang kinukuhanan ito ng video ng team leader ng towing team ng MMDA na si Larry Miravite.

Dahil sa kautusan ni Lim, sinabi ni Orbos na tututukan aniya nito ang insidente at hindi nila papayagang abusuhin at pagbantaan ang kanilang mga tauhan habang ginagawa nito ang kanilang trabaho kontra sa mga traffic obstruction.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with