^

Bansa

Kuwestiyon sa Martial Law dalhin sa SC

Doris Borja - Pilipino Star Ngayon
Kuwestiyon sa Martial Law dalhin sa SC

Umani ng sari-saring reaksyon ang pagdedeklara ni  Pangulong Duterte ng Martial Law kung saan sinabi ng constitutionalist na si Christian Monsod, na ang nagaganap na labanan sa pagitan ng militar at Maute group sa Marawi City ay hindi maituturing na rebellion kaya’t walang dahilan upang magdeklara ng Batas Militar. File

MANILA, Philippines - Pinayuhan ni Justice Secretary Vitaliano Aguir­re II ang mga kritiko ng  Martial Law sa Mindanao na makabubuting dumulog sa Korte Suprema at kuwestiyunin ang legalidad nito.

Umani ng sari-saring reaksyon ang pagdedeklara ni  Pangulong Duterte ng Martial Law kung saan sinabi ng constitutionalist na si Christian Monsod, na ang nagaganap na labanan sa pagitan ng militar at Maute group sa Marawi City ay hindi maituturing na rebellion kaya’t walang dahilan upang magdeklara ng Batas Militar.

Ayon kay Aguirre, may hawak na report si Pangulong Duterte na maaaring hindi alam ng mga ordinaryong tao kaya’t nagpasya itong magdeklara ng Martial Law.

“The President is entitled to be presumed to be regularly performing the duties of his office,” ani Aguirre.

Ang lahat naman aniya ay maaring kumuwestiyon sa ginagawa ng Pangulo subalit kailangan lamang na ilagay sa tamang lugar.

Samantala, binigyan-diin naman ng Philippine Muslim Society, na hindi solution ang martial law sa halip ay maghihikayat pa sa mga kabataan na sumali sa terrorist groups.

Sa ilalim ng 1987 Constitution, maaaring magdeklara ng martial law ang Pangulo sa anumang panig ng bansa sa loob ng 60 na araw.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with