^

Bansa

Duterte maaaring magdeklara ng martial law sa buong bansa

Pilipino Star Ngayon
Duterte maaaring magdeklara ng martial law sa buong bansa

MANILA, Philippines — Upang protektahan ang publiko, balak isailalim ni Pangulong Rodrigo Duterte ang buong bansa sa martial law kung aabot sa Luzon ang kaguluhan.

"If I think that ISIS has already taken a foothold in Luzon… I might declare martial law throughout the country to protect the people," pahayag ni Duterte sa kaniyang pagdating mula sa Russia ngayong Miyerkules ng hapon.

Kagabi lamang ay nagdeklara siya ng martial law sa buong Mindanao kasunod ng kaguluhan sa Marawi City sa lalawigan ng Lanao del Sur.

Sinabi ni Duterte na suspendido na rin ang writ of habeas corpus sa Mindanao at kasabay nito ang paglalagay ng mga checkpoint at ang warrantless arrest.

Samantala, bago pa man dumating sa Luzon ay pinag-iisipan na rin ng pangulo ang pagsuspinde na rin ng habeas corpus sa Visayas na katabi lamang ng Mindanao.

Tiniyak din ni Duterte na hindi maaabuso ang karapatan ng mga tao kahit martial law na sa Mindanao.

Nabanggit din ng pangulo na ilang miyembro na ng ISIS ang nakapwesto sa ilang checkpoint sa Marawi City. Sinabi ito ni Duterte sa kabila ng pagtatanggi ng Armed Forces of the Philippines na nasa bansa na ang international terrorist group.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with