^

Bansa

Mar Roxas ipapatawag sa MRT issue

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Mar Roxas  ipapatawag  sa MRT issue

Nais ni Poe na ipaliwanag ni Roxas ang alegasyon ni dating MRT General Manager Al Vitangcol na wala itong ginawa ng ipaalam sa kanya na malapit ng mag-expire ang maintenance contract ng Sumitomo, ang kompanya na dating nagmi-maintain ng MRT 3. File

MANILA, Philippines -  Ipapatawag na ni Sen. Grace Poe si dating Transportation Secretary Mar Roxas sa susunod na imbestigasyon ng komite tungkol sa mga kontrata na pinasok ng gobyerno para sa maintenance ng MRT 3.

Nais ni Poe na ipaliwanag ni Roxas ang alegasyon ni dating MRT General Manager Al Vitangcol na wala itong ginawa ng ipaalam sa kanya na malapit ng mag-expire ang maintenance contract ng Sumitomo, ang kompanya na dating nagmi-maintain ng MRT 3.

Muli ring ipapatawag ni Poe si Marlo dela Cruz na hindi na naman sumipot sa pagdinig kahapon kahit pa pinadalhan na ng subpoena. Si dela Cruz ay incorporator ng tatlong magkakahiwalay na kompanya na nanalo sa bidding para sa maintenance ng MRT-3 simula noong 2012, kabilang ang PH Trams, Global APT at Busan Universal Rail, Inc. (BURI).

Sinasabing may ko­nek­siyon si dela Cruz sa Liberal Party na partido ni Roxas. 

Nauna ng sinabi ni Poe na dapat ipaliwanag ni dela Cruz kung papaano nakuha ng mga nasabing kompan­ya ang kontrata gayong maliit lamang ang capital ng mga ito at wala ring maipagmamalaking track record.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with