^

Bansa

Anti-distracted Act pinapapasuspendi muna

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hiniling kahapon ng ilang senador ang Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Office (LTO) na pansamantala munang suspendihin ang pagpapatupad ng Anti-Distracted Driving Act hangga’t hindi pa malinaw ang inilabas na Implementing Rules and Regulations.

Ayon kay Sen. JV Ejercito, lumalabas na hindi naiintindihan ng mga opisyal ng DOTr ang layunin ng batas dahil ginawa nila itong kumplikado gayong ang pangunahing layunin ay ipagbawal lamang ang paggamit ng cellular phone sa pagmamaneho.

“Looks like their officials (DOTr) did not understand the essence of the Anti-Distracted Driving Act. They have made matters complicated, when it is basically just about banning the use of cell phones while driving,” pahayag ni Ejercito vice chairman ng Public Services Committee.

Inilinaw ni Ejercito na dapat payagan ang paggamit ng cell phones para sa “navigational purposes” upang makaiwas ang mga motorist sa matinding trapiko.

Mas delikado aniya kung yuyuko ang mga drivers para lamang tingnan ang cellular phones na ginagamit para sa Waza at iba pang navigation apps.

Naniniwala si Ejercito na dapat ikonsidera ang probisyon kung saan dapat ilagay ang mga cell phones na dapat ay nasa “line of sight” pa rin ng mga drivers.

“We rarely hear of road accidents that result from the use of navigational apps. Definitely, texting and tinkering with a mobile phone while driving is a no-no. But when it is used as a navigational aid and it is properly placed, it is okay,” ani Ejercito.

 Maging si Sen. Vicente “Tito” Sotto ay naniniwalang dapat munang suspendihin ang pagpapatulad ng nasabing batas.

Kaugnay nito, balak ni Sen. Nancy Binay na maghain ng isang resolusyon para imbestigahan ng kinauukulang komite sa Senado ang ipinalabas na IRR ng batas.

Sinabi ni Binay na parang nabalewala ang intensiyon ng batas na ipagbawal ang pagti-text at pagtawag gamit ang cell phone habang nagmamaneho.

“Parang nalusaw  yung intent of the law, which was really prohibit yung text and call while driving.  Parang ngayon kung saan saan na napunta yung IRR,” sabi ni Binay.

Dapat aniyang i-review ang IRR dahil parang araw-araw ay pababagu-bago ang interpretasyon nito.

“Parang sumobra. Hindi naman ako naniniwala na pati ba naman yun rosary saka air freshener dapat ipagbawal. Magpa-file ako ng resolution investigating what happened to its IRR,” sabi ni Binay.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with