Pagtanggi sa tulong ng EU simbahan umalma
MANILA, Philippines - Pinalagan at binatikos ng isang opisyal din ng maimpluwensiyang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang ginawang pagtanggi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa tulong na inaalok ng European Union (EU).
“This short sightedness is echoed even in making foreign or economic policy which is extremely detrimental to the welfare and interest of the poor, like this decision not to accept EU aid,”ani Father Edwin Gariguez, executive secretary ng CBCP-National Secretariat for Social Action Justice and Peace of Caritas Philippines.
“The Duterte admin is just too fanatically engrossed on war on drugs, hating every institution that questions it,” aniya pa.
Nagpahayag naman kamakailan ang Malacañang na hindi na tatanggap ang pamahalaan ng P13.85 bilyon grants mula sa EU, kung may kondisyon lamang din ito, na makakaapekto lamang sa panloob na polisiya ng bansa.
Una nang pinuna ng EU ang war on drugs ng Duterte administration at hiniling ang international investigation sa mga nagaganap na extrajudicial killings.
Nais ni Fr. Gariguez na sana ay magbago ang isip ni Duterte at pag-isipang mabuti ang posibleng hindi magandang epekto sa mga mahihirap lalo na sa Mindanao.
- Latest