^

Bansa

11 NPA sumurender, 8 armas isinuko

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasa 11 miyembro ng New Peoples Army (NPA) ang kusang loob na sumuko sa mga sundalo ng Philippine Army (PA) sa Barangay Midtungok, Senator Ninoy Aquino sa Sultan Kudarat kahapon ng umaga.

Ayon kay 1Lt. John Austin Jamora, commanding officer ng Alpha Company, 33rd Infantry Battalion, dakong alas-10 ng umaga nang sumuko ang mga rebelde kung saan kasama nilang isinuko ang kanilang walong high powered firearms kabilang ang 5 M16 rifles, 2 M1 Garand rifles at 1 AK 47 rifle.

Sabi ni Jamora, ang mga sumukong miyembro ng NPA ay mula sa tribong Manobo at mga residente ng Midtungok.

Kinilala ang ilan sa kanila na sina Ayob Mopac, Benjamin Kalay, Samuel Badak, Mel Pandi, Kang Mopac, Tiin Mooac, Usad Mopac, Long Oding, Sebio Masandag, Gabriel Mopac, at Nonoy Lapi.

Ayon kay Col. Bismarck Soliba, Commander ng 1st Mechanized Infantry Brigade, ang NPA sa Sultan Kudarat ay nawawalan na ng mga miyembro bunga ng demoralisasyon sa kanilang hanay.

Masama anya ang loob ng mga lumad dahil sa hindi natupad na mga pangako ng lider ng NPA. Ang mga miyembro ay namamatay sa ingkwentro pero ang ‘Supamil’ (suporta sa pamilya) para sa kanilang mga taga sunod ay hindi umano naibigay.

Pinuri naman ni MGen. Arnel dela Vega ang mga sundalo na naging bahagi sa pagsuko ng mga nasabing miyembro ng NPA.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with