PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Marcelino pinalaya na

MANILA, Philippines -- Matapos iatras ng Department of Justice ang kaso, pinalaya na si Marine Lt. Col. Ferdinand Marcelino at ang kasamahang Chinese ngayong Huwebes.

Naglabas ng release order ang Manila Regional Trial Court Branch 49 para kina Marcelino at Yan Yin Shou na nasakote dahil sa P380 milyong halaga ng shabu.

Nilagdaan ni Presiding Judge Daniel Villanueva ang kautusan kasunod paghahain ng mosyon ng prosekusyon na iatras ang kaso laban kina Marcelino at Yan.

Sinalubong si Marcelino ni Public Attorney's Office chief Persida Acosta sa kaniyang kulungan sa Camp Aguinaldo.

Nadakip sina Marcelino at Yan sa isang warehouse sa Maynila Enero 2016. Umabot sa 77 kilo ng shabu ang nakuha sa dalawa.

Giit ni Marcelino ay nasa isang undercover operation sila nang hulihin.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Una nang sinabi ng DOJ nitong Hunyo ng nakaraang taon na walang sapat na ebidensya laban kina Marcelino at Yan ngunit tatlong buwan ang lumipas ay binawi ito ni DOJ assistant state prosecutor Alexander Suarez.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: