^

PSN Showbiz

Gloria Romero mas enjoy katrabaho ang mga bata

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

Orlando laging luhaan ‘pag kumakanta

PIK: Ang GMA Primetime Queen Ma­rian Rivera ang special guest ng dating movie queen na si Gloria Romero sa kanyang fantasy sitcom na Daig Kayo ng Lola Ko na magsisimula na sa Linggo pagkatapos ng Hay Bahay.

Ikinukuwento ni Tita Glo na talagang nag-i-enjoy siyang makatrabaho ang young stars dahil napaka-professional daw nila at never siyang nagkaroon ng bad experience sa kanila.

Hindi raw niya alam kung nag-a-adjust sa kanya o masuwerte lang daw talaga siya dahil professional halos lahat na mga kabataang artistang nakatrabaho niya.

Kaya nag-i-enjoy daw siyang pawang mga bagets ang kasama niya sa Daig Kayo ng Lola Ko.

PAK: Hindi napigilan ni Orlando Sol na maluha kapag kinakanta niya ang awiting Kailan Darating ang Ayoko Na, ang carrier single sa album niyang Emosyon na ini-launch kamakalawa lang.

Hindi nga raw niya napigilang maiyak kaya biniro namin na kung may Asia’s Sentimental Songstress na si Imelda Papin, puwede siyang maging Sentimental Balladeer o Crying Balladeer.

Sabi naman ng mga taga-Star Music, binansagan na raw nilang Hugot King itong miyembro ng Masculados.

“Kahit ano’ng itawag nila sa akin, basta ako kakanta lang ako. Kapag naramdaman ko ‘yung kanta…kung feeling kong umiyak.

Kapag naiiyak ako okay, kapag natu­tuwa ako, masaya ako, ganun po ang emosyon,”  napangiting sagot sa amin ni Orlando.

Kahit nga sa music video niya ay lumuluha rin siya dahil nadadala raw talaga siya sa mga kinakanta niya.

Itong kantang Kailan Darating ang Ayoko Na ang kauna-unahang kanta na mayroong videoserye na nagsimula na kagabi. Limang capsules ito na mapapanood sa YouTube tuwing Biyernes ng gabi.

Si direk Maryo J. delos Reyes ang nagdirek at co-stars niya rito sina Blumark Roces, Catherine Rem, at Ruby Caye­tano.

BOOM: Touching ang mensahe ni Sandy Andolong sa kanyang anak na si Mariel de Leon, ang candidate no. 15 na lalaban sa Bb. Pilipinas.

Post ni Sandy sa kanyang Facebook account, “Keep your dreams alive and always in tune with God’s will and guidance. To achieve anything requires faith in God, confidence in yourself, hardwork, determination, and dedication.

All this you have in you and the rest of the Bb. Pilipinas candidates, and I truly admire and respect all of you for this. Remember all things are possible for those who believe.

“You will always be our beauty queen, our princess. You are deeply loved by your fa­mily and friends and loyal followers.”

Ganun din si Christopher de Leon na todo ang pag-promote kung paano iboboto si Mariel online.

Mahigpit ang labanan sa rami ng mga magagaling na kandidata pero buo ang kumpiyansa ni Boyet na makakakuha ng title ang kanyang anak.

vuukle comment

MA­RIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with