^

PSN Showbiz

Pia at Marlon hiwalay muna!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Walang gratitude ang public opinion tungkol sa mga maaanghang na pahayag ni Kris Aquino laban kay Rhodora Morales, ang producer ng te­levision special niya na tinalo sa ratings noong Linggo ng Gandang Gabi Vice ng ABS-CBN.

SCENE: Nagpalit ng cellphone number si Kris Aquino para hindi na siya makontak ni Nueva Ecija Councilor Renan Morales pero follower pa rin ito ng Instagram account niya.

SEEN: Hindi magkasama ngayong Holy Week si Pia Wurtzbach at ang kanyang boyfriend na si Marlon Stockinger dahil nagpunta sa Amerika ang former Miss Universe para sa mga commitment nito sa IMG Models, ang New York-based talent management agency na namamahala sa career niya.

SCENE: Spotted kahapon sa MRT at Araneta Center bus station si PNP Chief Ronald “Bato” dela Rosa dahil kinumusta niya ang mga pasahero na bumibiyahe at uuwi sa mga probinsya. May mga television crew at reporter na nakatutok sa pag-iinspeksyon na ginawa ni Dela Rosa.

SEEN: Ngayong Holy Wednesday ang concert nina Alden Richards at Maine Mendoza sa Kings Theatre sa Brooklyn, New York. Kasama sa Kalyeserye Show sa New York sina Wally Bayola, Jose Manalo, at Paolo Ballesteros.

SCENE: Ang Rivermaya ang nagpasikat sa Umaaraw, Umuulan, ang theme song ng Luck at First Sight ng Viva Films. Si Zia Quizon ang umawit ng cover ng Umaaraw, Umuulan.

SEEN: May leeg na uli si Ruru Madrid sa mga eksena niya sa Encantadia dahil nagtagumpay siya sa pagbabawas ng timbang.

SCENE: Mapapanood sa ABS-CBN sa Good Friday ang Tagalized version ng pelikula tungkol sa buhay ni Santo Ignacio de Loyola. Ang Kapuso actor na si Dingdong Dantes ang nag-dub para isinalin sa wikang Pilipino na mga linya ni Ignacio de Loyola na ginampanan ng Spanish actor na si Andreas Muñoz.

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with