^

Pang Movies

Marlon wala pang sagot sa kambal na anak!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Playing safe ang mga television news program sa pagbabalita tungkol sa isyu na may twin daughters si Marlon Stockinger, ang controversial racecar driver na boyfriend ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

Kahit lumantad na ang model na si Kit Barraquias at umamin na si Marlon ang biological father ng kanyang kambal na anak, gumagamit ng mga umano at diumano ang mga news anchor.

Hindi pa naman kasi nagsasalita si Marlon tungkol sa isyu kaya may mga raw at daw sa report ng mga news program sa telebisyon.

Kailangan ni Marlon ng isang mahusay na spokesperson o publicist para ma-handle nang maayos ang kontrobersya na kinasasangkutan niya.

Ang panig na lang ni Marlon ang hinihintay. Ayaw nang kulitin ng media si Pia dahil hindi naman ito ang direktang sangkot sa isyu. Hindi naman puwede na siya ang magsalita para kay Marlon. Hindi pa magkakilala at wala pang relasyon sina Pia at Marlon nang maging batang ama ito.

Nagtangka ang mga entertainment reporter na kunin ang panig nina Pia at Marlon tungkol sa isyu pero luhaan sila.

Kambal nina Kit at Marlon kailangan ng proteksyon

Proteksyon naman ang kailangan ng kambal na anak ni Kit Barraquias dahil mga minor sila.

Mula nang pumutok ang balita na sila ang mga secret daughter ni Marlon, kaliwa’t kanan ang paglabas ng mga litrato ng mga bagets sa social media.

Nakakaawa ang mga bata dahil nagiging biktima sila ng mga public opinion tungkol sa kontrobersya na kinasasangkutan ng kanilang biological father.

Claudine binalikan ang happy moments nila ni Rico

Ginunita noong March 29 ng fans nina Rico Yan at Claudine Barretto ang 15th death anniversary ng former matinee idol.

Good Friday nang bawian si Rico ng buhay sa isang resort sa Palawan.

Hindi pa uso noon ang social media kaya natagalan bago nakumpirma na totoo ang shocking news.

Sikat na sikat si Rico nang mamatay kaya nagluksa ang buong bansa sa pagpanaw niya.

Para sa fans nina Rico at Claudine, ang aktor ang greatest love ng aktres dahil hanggang ngayon, patuloy na binabalikan ni Claudine ang happy moments nila ng dating boyfriend.

Ang Got 2 Believe ang last movie ni Rico na matagal na pinilahan sa mga sinehan dahil ina­bot ito ng kamatayan niya.

Si Claudine ang leading lady ni Rico sa Got 2 Believe at dahil mahusay sila na magdala ng problema, hindi natunugan ng entertainment press na hiwalay na sila habang ipino-promote nila ang kanilang last movie together.

Tagahanga ni Piolo sanib-pwersa sa Northern…

Sinuportahan ng fans ni Piolo Pascual ang Northern Lights, A Journey to Love sa pama­magitan ng mga block screening.

Co-producer ni Piolo sa Northern Lights ang Regal Entertainment Inc. at Star Cinema.

Happy si Mother Lily Monteverde at ang kanyang anak na si Roselle dahil full support din ang entertainment press sa Northern Lights. Ang daming lumabas na publicities ng pelikula nang magpatawag sina Mother at Roselle ng presscon sa Valencia Events Place.

vuukle comment

MARLON STOCKINGER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with