^

Police Metro

4 sibilyan sugatan sa NPA harassment

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Muli na namang naghasik ng karahasan ang mga  rebeldeng New People’s Army (NPA)  makaraang mag­lunsad ng serye ng harassment  matapos na mamaril sa ilang CAFGU detachments kabilang ang isang malapit sa komunidad na ikinasugat ng apat na sibilyan sa Brgy. Geparayan, Silvino Lobos, Northern Samar kamakalawa.

Kinilala ang mga nasugatang sibilyan na sina Genalyn Tulin, 31 anyos, Jocelyn Tulin, 12 , Danica Tulin, 10 at Ruby Jane Tulin, 2 ; pawang mabilis na isinugod sa pagamutan para malapatan ng lunas.

Ayon kay Lt. Cherry Junia, Spokesperson ng Army’s 8th Infantry Division (ID), nasa 150 NPA rebels  ang umatake sa  CAFGU detachment  sa nasabing lugar na sinunog pa ng mga ito.

Sinabi ng opisyal, tinangay rin ng mga rebelde sa kanilang pagtakas ang isang M60 rifle, isang R4A3, apat na carbine rifles, limang garand rifles at isang Harris handheld radio.

Samantala sa pagpapaulan ng bala at pangra-ransak sa nasabing CAFGU detachment ay ilan pang base ng mga militiamen ang pinaulanan rin ng mga nagsitakas na rebelde. Patuloy naman ang  hot  pursuit operations laban sa mga rebeldeng komunista na sangkot sa insidente.

vuukle comment

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with