PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Trillanes kasamang nagplano ng impeachment vs Duterte

MANILA, Philippines – Bilang bahagi ng Magdalo Group, kasama si Sen. Antonio Trillanes IV sa nagplano ng paghahain ng impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Kamara.

Kinumpirma ito ni Magdalo party-list Rep. Gary Alejano sa kaniyang panayam sa telebisyon na kinailangan ang boses ni Trillanes sa paghahain ng reklamo laban sa pangulo.

“Kasama po siya (Trillanes), bahagi po siya ng Magdalo group,” sagot ni Alejano sa News To Go ng GMA News TV ngayong Biyernes.

“Itong mga ginagawa namin ay collective decision ng executive committee ng Magdalo group,” dagdag niya.

BASAHIN: Leni nagmamadali palitan si Digong sa impeachment complaint – Alvarez

Kilala si Trillanes na kritiko ng pangulo kung saan umabot pa ito sa hamunan ng pagbibitiw sa pwesto kapag hindi nagkapatunayan ng mga paratang sa isa’t isa.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Isiniwalat ng senador ang umano’y tagong yaman ni Duterte na hindi idineklara sa kaniyang Statement of Assets, Liabilities and Net worth.

Mayroong 23 miyembro ang executive committee ng grupo na kinabibilangan ng mga dating miyembro ng militar.

Nilinaw ni Alejano na tanging ang kanilang grupo lamang ang nagplano nito taliwas sa pahayag ng mga kaalyado ng pangulo na may kinalaman ang ibang partido tulad ng Liberal Party.

“Itong pag-file solely decision ng Magdalo group at walang kinalaman ang anumang partido o personality dito sa impeachment,” sabi ni Alejano.

BASAHIN: Impeachment complaint vs Duterte

Aniya itinaon talaga nila ang paghahain nito habang naka recess ang Kongreso upang mas mapag-isipan ng iba pang mambabatas kung susuportahan o lalabanan ito.

Kinakailangan ng 97 na boto o 1/3 ng kabuuang bilang ng mga mambabatas na 292 bago ito gumulong sa Kamara.

Sa kasalukuyan ay malakas ang “supermajority” sa mababang kapulungan ng Kongreso at napatunayan ito nang nagkabotohan sa pagpasa ng death penalty bill kung saan 54 lamang na mambabatas ang kumontra.

Sa kabila nito ay kumpiyansa si Alejano na lulusot ito sa Kamara.

“Actually, meron na pong nag-signify na they want to join the impeachment. Ayaw ko lang silang pangunahan.”

 

 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: