^

Bansa

Plunder ibinalik sa bitay

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

 MANILA, Philippines - Tatlong krimen na lamang ang papatawan ng parusang kamatayan sa ilalim ng panukalang pagbuhay sa parusang Kamatayan o death pe­nalty bill.

 Sa ginanap na majority caucus kahapon,  napagkasunduan  na pa­natalihin na sa House Bill 4727 ang Plunder, Drugs at Treason.

Subalit sa kaso naman ng droga ay magiging limitado na lamang ang parusang Reclusion Perpetua to death sa Manufacturing, trade at Financing at inalis na rito ang drug possession  dahil sa madali umanong itanim ang droga sa sinumang indibidwal.

Kasama rin naman sa maraming krimen na maaalis sa death penalty bill ang krimen na rape.

Pagbobotohan naman ang death penalty bill sa ikalawang pagbasa sa Pebrero 28 sa halip na ang orihinal na target na Marso 8.

 Tanggap na rin ng ilang anti-death penalty  congressman na lulusot ang parusang kamatayan  sa Kamara.

Sinabi ni Abang Lingkod Rep. Joseph Stephen Paduano na may sapat na boto na ang death penalty bill kaya sigurado na ang pagpasa nito sa Mababang kapulungan.

Paliwanag ni Paduano sa 41 miyembro pa lamang ng Visayan bloc ay anim lamang sila na tutol sa panukala habang sa partylist Coalition naman na binubuo ng 44 kongresista ay mahigit kalahati na ang tiyak na boboto ng Yes sa House Bill 4727.

 

vuukle comment

PLUNDER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with