^

PSN Showbiz

Lovelife ni Maja tinaob ng nanay

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Buti pa ang ina ni Maja Salvador, nakahanap na ng lalaki para sa kanya. Nagpakasal na ito sa kanyang nobyong Canadian at dinala na siya nito sa Ca­na­da kung saan sila mamumuhay na permanente.

Feel niya deserved ng mom niya ang naging pangyayari sa buhay nito dahil naging mabuting ina nito sa kanilang magkakapatid.

Masaya si Maja sa pagiging single, pero inaming hindi niya isinasara ang puso sa muling pagdating ng bagong pag-ibig. May bago siyang serye sa ABS-CBN na muling magpapamalas ng kanyang galing sa pag-arte. Ito ang Wildflower na magsisimulang mapanood sa hapon, simula sa Lunes.

 Pelikula nina DanRich apektado 

Nagpalipas muna ng ilang araw matapos napa­balitang hiwalay na sila ng nobyong si Daniel Matsunaga bago nagpasyang wakasan ni Erich Gonzales ang sari-saring ispekulasyon ng tao tungkol sa dahilan ng kanilang split. 

Totoong nakagimbal ito sa lahat dahil they were the epitome of a perfect couple bago pa sumabog ang hindi magandang balita tungkol sa pagwawakas ng kanilang relasyon. Hinihintay na lamang ng lahat ang pagpapakasal nila na nababanggit na rin matapos ang matagum­pay nilang pagsasama sa Be My Lady. Sayang at hindi na ito masusundan pa ng isang tinatayang magiging matagumpay din nilang pagsasama sa isang pelikula. 

Aiko single and ready to mingle pa rin!

Masaya na si Aiko Melendez na kahit sa Facebook ay na-engaged siya. Mga kapwa niya arista’t mga kaibigan ang nagpaabot ng balita sa kanya sa pamamagitan ng pagbati.Siyempre, may I deny siya sa isyu dahil wala naman siyang boyfriend matapos silang naghiwalay last year ng kanyang Persian boyfriend. 

It turned out na-hack lang ang FB account niya, pero naayos na ito matapos niyang mai-report sa kinauukulan. 

Balik sa pagiging available ang aktres na kaiinisan na agad dahil sa kontrabida niyang role sa Wildflower.

 Teresa NR sa problema ng anak kay Cesar

Sana nga magkasundo na ang mag-amang Cesar Montano at Diego Loyzaga. Nag-iiwan kasi ng hindi magandang lasa sa bibig at nagbibigay ng alalahanin sa mga tagasubaybay ng showbiz ang ganitong pangyayari lalo’t ang inivolved ay mga artista na magkakadugo.

Naglabas na ng resulta ng kanyang drug test na negatibo kontra sa bintang ng kanyang ama na gumagamit siya ng ipinagbabawal na gamot si Die­go at kung anuman ang naging damdamin dito ni Cesar ay sana hindi makahadlang sa kanilang pag-uusap nang maayos.

Hinihintay na lamang ng tao kung kailan lalahok sa usapan si Teresa Loyzaga na ayon kay Sunshine Cruz ay isang mabait at talentadong bata. 

Ejay na-in love sa Koreana

Bibigyang buhay ni Ejay Falcon at MYX VJ na si Sunny Kim ang kuwento ng pagmamahalan sa pagitan ng Pinoy at Koreana na dadaan sa matinding hamon ang pagsasama ngayong gabi sa Maalaala Mo Kaya.

High school pa lang ay pansari­ling kapakanan lamang ang iniisip ng happy-go-lucky na si Tim (Ejay) habang pag-aaral at pagtulong naman sa kapwa ang prayoridad ng Koreanang na-assign sa isang NGO sa Pilipinas na si Jung Won (Sunny).

Nagbago ang pana­naw sa buhay ni Tim nang makilala at umibig kay Jung Won. Kahit alam ni Tim ang tunay na sadya ni Jung Won sa bansa, ginawa pa rin nito ang lahat para ma­kuha ang puso ng banyagang dalaga. Nagbunga naman ang kanyang mga paghihirap dahil nahulog din sa kanya ito.

Naging maayos ang kanilang pagsasama hanggang sa pinili ni Jung Won na ituloy ang kanyang pag-aaral sa South Korea. Ito na kaya ang pagtatapos ng pagmamahalan nina Jung Won at Tim?

Makakasama rin sa episode sina Isay Alvarez, Lito Pimentel, Lollie Mara, Tart Carlos, Kyline Alcantara, Kenzo Gutierrez, Kristine Hammond, at Yohan Hwang. 

Ang episode ay sa ilalim ng direksyon ni Theodore Boborol at sa panulat nina Mae Rose Balanay at Arah Jell Badayos. 

 

vuukle comment

MAJA SALVADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with