^

Bansa

3 dedo sa buy-bust

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tatlo pa  ang bumulagta sa isinagawang magkakahiwalay na operasyon laban sa iligal na droga sa Sta. Cruz, Maynila, sa ulat kahapon.

Sa ulat ng Manila Police District-Homicide Section, nakilala ang mga nasawi  na sina Cesar Malate, alyas Casper, 36 ng  Delpan st., Binondo, Maynila;  isang  alyas Sonny at Daddy, nasa edad 50-55, 5’8 ang taas; isang alyas Amvi , 25- 30, na 4’8 ang taas, na kabilang sa drug watch list ng MPD-Station 3.

Nabatid na dakong alas -6:00 ng gabi kamakalawa nang isagawa ang buy-bust operation laban kina Daddy  at Amvin sa Room 107, ng Andalucia Inn, sa A. Mendoza  St. hinggil sa pagbebenta umano ng shabu.

Nang bumili ang poseur-buyer sa harapan ng nasabing lodging inn ay pinaakyat pa ito sa inokupahang kuwarto ng suspek  at sa puntong iyon ay pinasunod ng undercover ang kaniyang mga back up na operatiba.

Doon na nakahalata ang mga suspek na nagsalita pa ng Tangina pare, pulis to!’ sabay bunot ng baril at pinaputukan ang kaharap na pulis na mabilis na nakatakbo at sinalubong naman ang mga suspek ng mga putok mula sa back up na mga operatiba.

Narekober ng mga pulis mula kay Daddy ang apat na plastic sachet ng shabu, P500 marked money, habang isang improvised na folding handgun, dalawang plastic sachet naman ng shabu at mga drug paraphernalia naman ang nakuha mula kay Amvin.

Samantala, dakong alas-9:50 ng gabi naman kamaka­lawa nang targetin ng buy-bust operation ng mga tauhan ng MPD-Station 11 si Malate, sa Mc Arthur Bridge sa Sta. Cruz.

Tinangka umanong manlaban ng suspek ngunit naunahan at napatay ito ng mga awtoridad.

Si Malate ay sinasabing sumuko sa Oplan Tokhang noong Hulyo 2016 ngunit bumalik sa dati niyang illegal na gawain kaya’t tinarget sa buy-bust.

Narekober mula sa suspek ang P500 marked money,  3 plastic sachet ng shabu at isang kalibre 38 baril. Ludy Bermudo with trainee Risih Viola Sta. Ana

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with