^

Bansa

Duterte namumuro sa impeachment – Leila

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – “Bordering” na sa impeachment ang balak na pag-aabsuwelto ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pulis na nasasangkot sa pagpatay sa gitna ng kampanya nito sa ilegal na droga.

Ginawa ni Sen. Leila de Lima ang pahayag matapos mapaulat na sinabi ni Duterte na hindi niya papayagang makulong ang mga pulis na sangkot sa pagpatay kay Albuera Mayor Rolando Espinosa Sr. kahit pa natuklasan ng NBI na rubout ang nangyari at hindi shootout.

Ayon kay de Lima, kinakasuhan pa lamang ng NBI ang mga sangkot na pulis ay mistulang pinapatawad na kaagad ang mga ito ng Pangulo.

Ipinaalala ni de Lima na ang pag-absuwelto sa mga akusado ay hindi trabaho ng Pangulo dahil nasa kamay ito ng hudikatura.

“Nagpa pardon na kaagad sya. Eto na naman, kinakasuhan pa lang ng NBI, pina pardon na naman nya. That’s tantamount to pardon, na inaabswelto na nya kaagad na and its not even his duty because the duty belongs to the judiciary, to the courts. So bordering na yan to impeachability eh,” ani de Lima.

Ipinaliwanag ni de Lima na maituturing na “betrayal of public trust” ang gagawing pagpapatawad ng Pa­ngulo dahil trabaho nito na tiyakin na mapaparusahan ng batas ang mga nagkakasala.

Katungkulan din anya ng Pangulo na irespeto ang Konstitusyon at ang umiiral na “separation of powers” ng mga sangay ng gobyerno.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with