^

Bansa

Hirit ni Bong Revilla sa SC ibinasura

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Hirit ni Bong Revilla sa SC ibinasura

Ang kaso ay may ki­nalaman sa umano’y P224.5 milyon maano­malyang paggamit ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) ni Bong Revilla noong siya ay isa pang Senador. File photo

MANILA, Philippines – Tuloy na ang paglilitis ng Sandiganbayan 1st division sa kasong plunder na isinampa laban kay dating Sen. Bong Revilla matapos na ibasura ng Supreme Court (SC) ang isinampang petisyon na humihiling na mabaligtad ang unang ruling ng Office of the Ombudsman na may probable cause para isalang siya sa paglilitis.

Ang kaso ay may ki­nalaman sa umano’y P224.5 milyon maano­malyang paggamit ng kanyang Priority Development Assistance Fund (PDAF) noong siya ay isa pang Senador. 

Nabatid na sa ginanap na botohan ng mga Mahistrado ng SC en banc session, nagkaroon ng botong 13-1-1 kung saan sa botohan ay nag inhibit si Associate Justice Francis Jardeleza sa pagboto at si Associate Justice Presbitero Velasco Jr. ang ta­nging nag ‘dissent’.

Sanhi ng nasabing ru­ling, mananatili si Revilla sa kanyang detention cell sa  National Police Custodial Center sa Camp Crame, Quezon City.

Nabatid na si Revilla ay kabilang sa tatlong dating senador na kinasuhan ng plunder dahil sa paggamit ng kanilang PDAF sa mga pekeng Non Governmental Organization (NGO’s) kapalit ng kickbacks.

Ayon sa ruling ng SC wala umanong naganap na pang aabuso sa panig ng Sandiganbayan sa pagtanggi sa  petition for dismissal na plunder case ni Revilla. 

Iniakyat ni Revilla sa SC ang kaso sa ilalim ng Rule 65 ng  Revised Rules of Court kung saan kinuwestiyon ni Revilla ang findings na prima facie evidence laban sa kanya.  

Sinabi ng SC na wa­lang pagkakamali sa ruling ng Sandiganba­yan at hindi puwedeng ipagwalang bahala ang findings ng Ombudsman.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with