^

Pang Movies

GF ni Derek bumilib sa paghuhubad ng aktor

- Vinia Vivar - Pang-masa

Supportive and understanding talaga ang girlfriend ni Derek Ramsay na si Joanne Villablanca dahil nakaya nitong panoorin ang mga daring scenes ng hunk actor with Lovi Poe and Jean Garcia sa The Escort at the red carpet premiere night last Thursday sa SM Megamall.

Kasama ni Derek ang modelong girlfriend sa premiere night at ayon sa aktor, nagustuhan daw ng GF ang movie.

“Sabi niya, lahat, nagustuhan niya. Favorite scene nga niya is the love scene with Jean Garcia. Walang sali-salita, pasok sa pool, sobrang ganda raw,” sey pa ni Derek.

Tinanong nga namin si Derek kung hindi ba nailang si Joanne while watching the love scenes at aniya, “No, because she knows that it’s just all acting. Alam niya naman na acting lang ‘yun.

“Basta pag-uwi, ‘yung ginagawa ko sa pelikula, dapat iba ‘yung ginagawa ko. . .” natawa na si Derek, “hindi pwedeng parehong style.”

Ikinatuwa rin ng aktor ang mga papuring natanggap niya hindi lang mula sa girlfriend kundi pati na rin from his mom na nanood din ng premiere screening gayundin mula sa ibang tao.

“Natutuwa talaga ako kasi we worked hard na mapaikita namin na it’s not only ‘yung mga sexy scenes ang laman ng pelikulang ito and ang laman ni Derek Ramsay.

“Ipinakita ko sa kanila na I’m very vulnerable, I wanna show them that I have another side na hindi lang puro katawan, na may laman din ang pag-arte ko.

“So, ang ganda ng reaction nang makita namin ‘yung appreciation ng nanood tonight dito sa Megamall, na nagustuhan nila ‘yung pelikula.

“Comment pa nga nila, this is the nicest film they’ve seen from all the films that I’ve done, and first time ko ring mapanood kanina. ‘Yung girlfriend ko, paglapit sa akin ni Joanne, sabi niya, “ito ang pinakamagandang pelikula na nagawa mo”. Sabi ko, “wow!”

“And my mom also, ‘yung mommy ko ang biggest critic ko, eh. Nag-react na siya sa trailer, sabi niya, “ano ba ‘yan? Masyadong sexy yata ‘yan!” Ngayon, natahimik siya. Sabi ko, “ma, panoorin mo muna”. And then, she’s like “tama ka, ang ganda ng pelikula”.

Showing na sa Nov. 2 ang The Escort mula sa direksyon ni Enzo Williams. The movie also stars Christopher de Leon na ngayon lang ulit gumawa ng sexy scene after a long, long while.

Lovi umamin na sa bagong ka MU

Samantala, kung si Derek ay isinama ang GF sa preem night, si Lovi naman ay hindi naisama ang rumored foreigner boyfriend na si Chris Johnson since wala ito sa bansa at papunta-punta lang ng ‘Pinas.

Ayon kay Lovi, hindi raw niya alam kung maaabutan pa ni Chris ang showing ng movie na magsisimula na sa Nov. 2.

Hindi ba magseselos si Chris sa mga love scenes niya sa movie?

“Well, first of all, we’re not yet in a relationship, we’re still dating,” sagot niya.

Pero may mutual understanding na ba?

“I guess so. Parang pwede, pwede nang tawagin na ganu’n,” she said.

When asked kung hindi ba siya nailang na kasama ni Derek na nanood ang girlfriend nito, say niya, “no, kaibigan ko si Joanne, she’s my friend, schoolmates kami nu’ng high school.”

Sa sizzling lovemaking scene nila ni Derek kung saan ay pareho silang naked, kitang-kita kung paano siya prinotektahan ng aktor para hindi makita ang kanyang private parts and for this, very thankful talaga si Lovi.

“Very maalaga si Derek which is good thing, and we made it sure na full of love ‘yung love scenes namin. That’s why it’s very different from the love scene of Miss Jean and Derek. So, we had to show nga ‘yung difference ng nagmamahalan to something that’s sexual.”

Reaksyon niya sa sinabi ni Derek na she’s hot?

“Well, he’s hot, too,” sambit ni Lovi.

Kung “hot” ang one word na description ni Derek sa kanya, ano naman ang one word na puwede niyang ma-describe sa leading man?

“Ang hirap naman ng one word. All in one,” she said.

Kakaibang acting din ang ipinakita ni Lovi sa pelikula at aminado siyang nanibago siya at nahirapan talaga sa kanyang role.

“Naninibago nga ako because this is the role na hindi mo siya pwedeng paglaruan. There’s not much you can do, kasi tahimik siya (her character), so, naninibago ako. Kasi ‘yung ibang roles na nakukuha ko, especially sa movies, like ‘yung Temptation Island, malandi siya, ‘yung mga ganu’n. This time, tahimik siya.

“Limitado siya, so ‘yun, mahirap for me,” she said.

Pero masaya si Lovi na sa pelikulang ito ay nabigyan siya ng pagkakataon na makatrabaho si Boyet at si Derek kaya nang i-offer daw talaga sa kanya ito ay tinanggap niya agad.

vuukle comment

DEREK RAMSAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with