Resolusyon inihain sa Kamara sa pakikidalamhati sa pagpanaw ni Sen. Santiago
MANILA, Philippines - Isang resolution ang inihain sa Kamara para sa pakikidalamhati sa pagpanaw ni Senador Miriam Defensor- Santiago.
Sa House Resolution 414 na inihain ni Aklan Rep. Carlito Marquez, tinawag niya si Santiago na “The Best President the Philippines never had”.
Inilarawan pa ni Marquez si Santiago bilang Pride of Panay o Western Visayas na tatatak sa kasaysayan ng bansa bilang genuine hero ng mga Pilipino.
Ang pagpanaw din umano ng Senadora ay napakalaking kawalan sa bansa dahil isa siyang outstanding at dedicated na stateswoman.
Nawalan din umano ang Pilipinas ng isang matapang na tagapagtanggol.
- Latest