^

Bansa

Ebidensya sa Bilibid ‘riot’, itinurn-over na sa PNP-CIDG

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isinumite na ng pamunuan ng Bureau of Correction (BuCor) sa Philippine National Police, Criminal Investigation and Detection Group (PNP, CIDG)  ang lahat ng ebidensiyang nakalap nila kabilang dito ang footage na kuha ng CCTV camera upang makapagbigay linaw sa tunay na nangyari  sa building 14, Maximum Security Compound ng New Bilibid Prison (NBP) na ikinasawi ng isa sa mga  high profile inmates  at pagkasugat naman ng apat pa kabilang ang kontrobersiyal na si Jaybee Sebastian.

Dahil ibat-ibang bersiyon ang lumalabas sa insidente, na ayon sa pamunuan ng BuCor base sa pahayag ng OIC nitong si Rolando Asuncion, simpleng riot lamang  ang naganap, na nag-ugat sa ginawang paninita ng isa sa mga inmate na si Clarence Dungaen sa mga nagpa-pot-session na sina Peter Co;  Tony Co at Vicente Sy. 

Samantalang  sa bersiyon naman ng mga Prison guard investigator ng NBP base sa salaysay ng kampo ni Sebastian, walang naganap na pot session, kung saan sinalakay sila ng grupo ni Dungaen habang nanonood sila ng telebisyon.

Nabatid na nag-mamaakaawa pa aniya ang mga convicted Chinese nationals  sa mga kapwa presong sumugod sa kanila na umano’y mga ka-grupo ni Dungaen.

Ang sumaksak kay Sebastian ay si Tomas Donena, hinihinalang ka grupo nila Dungaen.

Hinala ng abogado ni Sebastian na si Atty. Eduardo Ariba, na  ang talagang target  patayin ay si Sebastian. 

Ayon pa kay Ariba, simula pa lamang aniya  ay nais ng ibunyag ng kanyang kliyente  ang lahat ng nalalaman nito hinggil sa kalakaran ng droga sa loob ng NBP at maging sa labas nito.

Kung saan ang gagawing pagbubunyag ni Sebastian ay sasabihin niya lamang kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon pa sa abogado ni Sebastian, nangangamba ang kanyang kliyente sa seguridad  at sa banta ng buhay nito,  na kapag nagsalita ito sa ginawang pagdinig sa Kamara na may kaugnayan sa kalakaran ng droga sa NBP ay may masasagasaan sa kasalukuyan at dating administrasyon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with