Duterte ikinalungkot ang pagpanaw ni Miriam
MANILA, Philippines — "Rest in peace, Madam Senator. May your legacy continue to guide this nation for many years to come.”
Ito ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpanaw ng batikang senador Miriam Defensor-Santiago ngayong Huwebes.
Sinabi ni Duterte na maaalala si Santiago sa kaniyang pagiging matinik na mambabatas na itinataya ang buhay sa trabaho.
"Senator Santiago has left a sterling career in public office. She is best remembered as a graft buster 'eating death threats for breakfast,' earning her the (tag) Iron Lady of Asia," wika ni Duterte na nasa Vietnam ngayon para sa dalawang araw na working visit.
Isa si Santiago sa mga nakalaban ni Duterte nitong eleksyon ngunit hindi tulad ng ibang kandidato ay hindi nagkainitan ang dalawa.
Duterte to Miriam: What can I ask of you? by philstarnews
- Latest