^

Bansa

Senate probe sa ‘riot’ hirit ni Leila, Trillanes

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang resolusyon ang inihain kahapon nina Senator Leila de Lima at Antonio Trillanes IV na naglalayong imbestigahan ng Senado ang nangyaring riot sa National Bilibid Prison (NBP) kung saan namatay ang “high profile inmate” na si Tony Co at malubhang nasugatan ang apat na iba pa.

Ayon sa dalawang se­nador, dapat silipin ng Senado ang diumano’y ‘incompetence’ at mismanagement na Bureau of Corrections at PNP dahil nangyari ang riot at sinasabing paggamit ng shabu ng mga nakakulong sa Building 14 kahit pa dapat ay mahigpit ang ginagawang pagbabantay sa mga preso na itinuturing na mga drug lords.

Nakasaad pa sa reso­lusyon na noong Hulyo 20, 2016, ang mga miyembro ng PNP SAF ang namahala na sa NBP sa Muntinlupa habang sumasailalim sa retraining ang mga empleyado ng BuCor.

Samantala, sinabi ni Sen. Sherwin Gatcha­lian na mahirap paniwalaan na nagkataon lamang ang ti­ming ng riot kaya dapat magkaroon ng imbestigasyon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with