^

Bansa

Mandatory drug tests sa mga guro, estudyante

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Suportado ng grupo ng mga guro ang planong mandatory drug tests para sa mga teachers at mag-aaral sa mga pampublikong paaralan upang tuluyan nang mailayo ang mga learning institution sa masamang epekto ng illegal na droga.

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, plano ng DepEd na magsagawa ng annual drug test para sa mga guro at mga mag-aaral sa mga public school sa buong bansa bilang suporta sa anti-illegal drugs campaign ng pamahalaan.

Suportado naman ito ng Teacher’s Dignity Coalition at ayon sa national chairperson nito na si Benjo Basas, ang plano ng kalihim na masuri ang mga guro laban sa illegal na droga ay welcome sa kanila.

Giit niya, ang drug testing ay magandang pamamaraan upang matiyak na lahat ng paaralan ay drug-free.

Una nang napaulat na pumapasok na sa mga paaralan ang mga drug pushers upang hikayatin ang mga mag-aaral na sumubok ng illegal na droga, at minsan pa umano ay mismong mga estudyante ang ginagawang drug courier  at runner ng mga sindikato ng illegal na droga, dahil ang mga menor de edad ay hindi maaaring gawing criminally liable sa ilalim ng juvenile justice law.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with