^

Bansa

P300-M nawawala sa 2014 Bilibid raid

Doris Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nawawala umano ang may P300 milyong cash na nakuha sa raid sa New Bilibid Prison noong Dis­yembre 2014.

Inihayag ito ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II alinsunod na rin sa testimonya ng isang inmate at intelligence officer.

Taliwas naman ito sa unang report na P1.6 million cash lamang ang nakumpiska mula sa mga preso mula sa maximum security compound.

Ayon kay Aguirre, sinabi ng mga saksi na kasama sila sa pagsala­kay noong Dec. 15, 2014 na pinangunahan ni noo’y Justice Secretary at ngayo’y Sen. Leila De Lima. Si De Lima ay inaakusahan ngayong sangkot sa bentahan ng iligal na droga sa NBP.

Sinabi ni Aguirre na iba ang deklarasyon nila de Lima kaya’t pinaiimbestigahan na rin nila ito sa NBI. 

Giit ni Aguirre, dapat na maipaliwanag kung saan nanggaling ang nasabing  halaga.

Matapos aniya ang pagsalakay ay inutos ni de Lima ang paglilipat sa 19 drug lords sa NBI. 

Ilan sa mga ito ay tumestigo noong nakaraang linggo sa Kamara.

Tanging si Jaybee Sebastian lamang ang naiwan sa NBP kung saan mas lalo umanong na­mayagpag ang bentahan ng iligal na droga sa Bilibid.

Nakalikom umano si Sebastian ng pera mula sa drug money  at ginamit umanong pondo sa election ni de Lima. Itinatanggi naman ni de Lima ang alegasyon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with