^

Bansa

Signal no. 2 sa Batanes kay Helen

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Napanatili ng bagyong “Helen” ang lakas nito habang tinutumbok ang Batanes at Taiwan, ayon sa state weather bureau ngayong Lunes.

Huling namataan si Helen sa 530 kilometro silangan ng Basco, Batanes kaninang alas-10 ng umaga.

Taglay ng pangwalong bagyo ngayong taon ang lakas na 150 kilometers per hour at bugsong aabot sa 185 kph.

Mabagal ang paggalaw ni Helen pakanluran hilaga-kanluran sa bilis na 20 kph.

Nakataas ang public storm warning signal number 2 sa Batanes Group of Islands, habang signal number 1 naman sa Northern Cagayan kabilang ang Babuyan Group of Islands.

Tinatayang nasa 265 km hilaga ng Basco bukas ang bagyo, habang lalabas ito ng Philippine area of responsibility sa Miyerkules.

Nitong buwan din lamang ay binayo ng bagyong Ferdie ang Batanes kung saan nawasak ang mga ari-arian ng mga residente. Masuwerte namang walang nasawi sa pananalasa ng bagyo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with