CHR pinasasama sa drug ops
MANILA, Philippines – Pinasasama ng isang mambabatas ang mga human rights advocates sa mga police operations upang matulungan ang mga awtoridad na maipatupad ng tama ang kanilang mga operasyon lalo na sa mga drug operations
Dahil dito kaya pinamamadali ni House Assistant Majority Leader at Bagong Henerasyon partylist Rep. Bernadette Herrera-Dy ang pagpasa sa inihain niyang House Bill 3722 na gagawing mandatoryo sa Commission on Human Rights (CHR) na magtalaga ng trained personnel sa anti-drug at anti-crime operations ng pulisya.
Bukod dito iniindorso din ni Herrera-Dy sa Philippine National Police (PNP) at iba pang law enforcement units na gumamit ng vehicle dashboard at body cameras para mai-record at matulungan na maipatupad ng tama ang kanilang operasyon lalo na sa kampanya laban sa droga.
Paliwanag pa ni Herrera-Dy, dapat may pondo rin ang mga law enforcement agencies para sa pagbili ng body cameras sa kanilang mga operatiba at maglagay ng dashcams sa official vehicles upang maprotektahan ang legal interest ng law enforcers at suspek.
Maaari rin umanong iprisinta ng pulis at iba pang law enforcers ang naging video recordings nila bilang ebidensiya laban sa isang suspek para maprotektahan sila sa mga akusasyon ng illegal arrest, human rights violations at paglabag sa standard operating procedure.
Inihalimbawa nito na sa Estados Unidos at iba pang European countries ay ginagamit ang dashcams at body camera recordings sa kanilang law enforcement.
- Latest