^

Bansa

Hirit na ceasefire sa Abu, ‘no way’ sa AFP

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tinutulan kahapon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang hirit na ceasefire ni Moro National Liberation Front (MNLF) founding Chairman Nur Misuari laban sa bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) upang mabigyang daan ang pagpapalaya sa mga nalalabing hostages sa Sulu. Sinabi ni AFP Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla, magpapatuloy ang walang-humpay na combat operations laban sa mga bandido alinsunod sa misyon ng AFP na lipulin ang naturang ekstremistang grupo. 

“It is very important now for us to sustain the operation. That (halt of military operations) has happened before and it led to escape (of the enemies). We will only give way to turnover or transfer (of hostages),” punto pa ng opisyal. Nabatid na inihirit ni Misuari sa pamahalaan na ipatigil ang opensiba ng militar partikular na sa Sulu upang bigyang daan ang pagpapalaya sa mga hostages ng mga bandido.

Sa pagpagitna ni Misuari sa negosasyon ay nasa pitong hostages na ang magkakasunod na napapalaya simula nitong nakalipas na linggo kabilang ang Norwegian na si Kjartan Sekkingstad. Si Sekkingstad ay itinurnover ni Misuari kay Office of the Presidential Peace Process Secretary Jesus Dureza sa Indanan, Sulu. Gayunman may mga ulat na nag­kabayaran ng P30M ransom sa pagpapalaya sa nasabing dayuhan. Ikinatwiran naman ng militar na nakalaya ang mga hostages dahilan sa puspusang opensiba ng AFP sa lalawigan na nagbuhos ng halos 9,000 sundalo para lipulin ang mga bandido.

 “We believe that the focused military operations continued to pressure the Abu Sayyaf, and we are on the right track to finally decimate the ene­mies,” pahayag ni Padilla. Sa kasalukuyan, nasa 11 pa ang hostages ng mga bandido sa lalawigan ng Sulu na pinaghiwahiwalay ng grupo. Kabilang dito ang limang Malaysians, tatlong Indonesians, isang Dutch at dalawang Pinoy.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with