Kilabot na Bilibid convicts binigyan ng imunity ng Kamara
MANILA, Philippines — Dahil sa umano’y nalalaman nila sa ilegal na gawain ni Sen. Leila de Lima, binigyan ng imunity ng Kamara ang high-profile convicts ng New Bilibid Prison sa paggulong ng imbestigasyon.
Kabilang sa mga binigyan ng imunity ay sina Rafael Ragos, Jovencio Blando, Rodolfo Magleo, Joel Capones, Jaime Pacho at Herbert Colangco.
Hiniling ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II sa Kamara na bigyan ng uminity ang mga convict ng Bilibid na inaprubahan naman ni House Speaker Pantaleon Alvarez.
BASAHIN: House probe hindi tungkol kay De Lima
"I hereby grant approval for you admission with your express consent to the witness protection security and benefit act under section 12 of the aforementioned act is shall be entitled to immunity from any and all criminal prosecution for the offense or offenses in which your testimony will be given or used," nakasaad sa liham ni Alvarez.
Dahil sa imunity ay isasailalim sa witness protection ang mga convict at hindi sila maaaring makasuhan.
Patuloy ang pagdinig ng Kamara sa mga ilegal na gawain sa loob ng Bilibid kung saan sinasabi ng mga convict na binibigyan nila ng pera si De Lima.
BASAHIN: De Lima pwede nang kasuhan – Aguirre
Nauna nang pinabulaanan ni Aguirre na walang kapalit ang paglutang ng mga convict ng bilibid.
- Latest