^

Bansa

Mga Pinoy sa Singapore inalerto sa Zika

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Inalerto ng Embahada ng Pilipinas ang libu-libong Pinoy sa Singapore dahil sa paglaganap ng nakamamatay na sakit na Zika virus sa city state na nakukuha sa kagat ng lamok.

Base sa report, nadiskubre ng Singapore officials na may 41 katao na sa kanilang mamamayan ang tinamaan ng Zika virus.

Bunsod nito, nagpatupad ng paghihigpit ang Singapore government sa kanilang mga komunidad at gumawa ng mga hakbang upang mapigil ang pagkalat ng virus matapos maitala ang 41 locally transmitted cases. Karamihan umano sa tinamaan ng Zika ay ang mga dayuhang construction workers.

Nagsagawa na ng insecticide fogging operations ang National Environment Agency ng Singapore sa apektadong distrito kung saan ginalugad at sinuri pa ang mga palikuran at lugar na maaaring pamahayan ng mga lamok.

Ang mga nagmamay-ari ng mga bahay na makikitaang naglipana ang mga lamok ay maaaring pagmultahin ng hanggang $3,700.

Ayon kay Foreign Affairs Charles Jose, wala pang Pinoy mula sa kabuuang 175,000 na nasa Singapore ang naiulat na kabilang sa mga dayuhang tinamaan ng Zika virus.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with