DU30 sa mga pulis at sundalo: ‘Just call my name and I’ll be there’
MANILA, Philippines - Tulad ng linya ng isang kanta ay inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pulis at sundalo na maiipit sa kaso sa pagtupad sa kanilang tungkulin laban sa droga at terorismo na “Just call my name and I’ll be there”.
Sinabi ni Pangulong Duterte sa kanyang mensahe sa paggunita ng National Heroes Day kahapon sa Libingan ng mga Bayani, walang dapat ipag-alala ang mga sundalo at pulis na nakasuhan sa pagtupad sa kanilang tungkulin sa paglaban sa droga at terorismo.
Aniya, siya ang ituro ng mga sundalo at pulis at sabihin sa korte na iniutos yun ni Pangulong Duterte at sumusunod lamang sila sa kanilang mga tungkulin bilang tapat na sundalo at pulis.
“In the pursuit of law and order, pursuant to my directions, you don’t have to worry about criminal liability. You will have my support. You will have all the things you need to fight criminals. I take full legal responsibility. I am willing to go to the prison with you. Just call my name and I’ll be there to protect you,” giit pa ni Duterte.
Nagbabala rin ang Pangulo sa mga corrupt na judges, police at pulitiko na darating din ang araw na pagbabayaran nila ang kanilang mga maling gawain.
“For the corrupt judges, corrupt police, there will always be a day of reckoning,” dagdag pa ng Pangulo.
- Latest