^

Bansa

De Lima nagpatutsada sa Araw ng mga Bayani

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagpasaring kahapon si Senator Leila de Lima sa Duterte government sa ipinalabas niyang mensahe para sa pagdiriwang ng “Araw ng mga Bayani”.

 Ayon kay De Lima, sa ngayon ay nahaharap na naman ang bayan sa panibagong hamon at krisis at ito ay ang pagbabaluktot sa katotohanan at ang pananahimik ng mga mamamayan sa kabila ng mga nangyayaring karahasan.

Ayon kay De Lima, hindi lamang ang mga masasamang elemento ang sumusubok sa prinsipyo ng mga mamamayan kung hindi mismong ang mga nasa kapangyarihan.

Bagaman at walang pinangalanan, sinabi ni De Lima na may mga pu­wersang nagpapakalat ng kasinungalingan at sinusupil ang demokrasya.

“Ang pundasyon ng ating mga batayang prinsipyo ay sinusubok hindi lamang ng masasamang elemento, kundi pati na rin ng mga nasa kapangyarihan. Para ilihis tayo sa mga tunay na isyu, may mga pwersang nagpapaka­lat ng kasinungalingan at pilit na sinusupil ang ating demokrasya,” ani De Lima.

Kinuwestiyon pa ni De Lima ang mga mamamayan kung magwawalang-kibo na lamang at hahayaang pangunahan ng takot. 

“Sa harap ng mga panlilinlang at kawalan ng pagpapahalaga sa moralidad at sa ating dignidad, magwawalang-kibo na lamang ba tayo? Hahayaan ba nating pangunahan tayo ng takot at bukas-makalawa ay maging biktima na rin ng karahasan at mga pang-aabuso?” ani De Lima.

Ipinaalala rin nito na hindi nakipaglaban ang mga bayani ng bayan para lamang muling mangi­babaw ang kasinungalingan.

Dapat rin aniyang makiambag ang bawat isa para manaig ang batas sa halip na dahas at maisiwalat ang katotohanan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with