Pag-asa Island gagawing ecotourism destination
MANILA, Philippines – Isinusulong na sa Senado ang isang panukalag batas na naglalayong ideklara bilang isang special ecological tourism zone ang Pag-asa Island para mapaunlad ito bilang isang tourist destination.
Ayon kay Senator Sonny Angara, nakaisip ng panukala, tiyak na dadayuhin ng maraming turista ang Pag-asa Island dahil na rin sa ganda nito.
Maari naman aniyang ibigay ng gobyerno ang kinakailangang suporta sa pagsusulong ng mayamang ‘biodiversity’ ng bansa.
“With its impeccable beauty, the island is an ideal tourist destination. The government should provide the necessary support to promote the island’s rich biodiversity and Philippine heritage that our country should be proud of,” pahayag ni Angara.
Kung magiging batas, lilikhain ang Pag-asa Island Ecotourism Cluster Governing Board, na makikipagtulungan sa Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA), upang ihanda ang isang ecotourism master plan.
Naniniwala si Angara, na makakalikha rin ng maraming trabaho kapag naging tourist destination na ang Pag-asa Island.
Ang Pag-asa island ay kalapit ng mga isla ng Parola, Kota at Panata, na tinatawag na Pag-asa Island Cluster, at sakop ng Munisipalidad ng Kalayaan sa probinsiya ng Palawan.
- Latest