^

Bansa

‘Nauunahan na ako sa yabang ni Bato’ – Digong

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Limitado na umano ang papel ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil mas nauunahan na siya ngayon sa yabang ni Philippine National Police chief Director General Ronald “Bato” dela Rosa.

Sa talumpati ng Pangulo kamakalawa ng gabi sa ika-10 anibersaryo ng Eastern Min­danao Command sa Panacan, Davao City, nagbiro ang Pa­ngulo tungkol sa yabang umano ni dela Rosa.

“Alam mo si Bato nauunahan na ako sa yabang. Bunot ka diyan. ‘Yan ang style ko eh. Sinunod talaga niya. Pati tuloy ako hindi na maka-salida. Limitado na ang papel ko,” pahayag ng Pangulo.

Pero suportado umano ng Pangulo si dela Rosa na na­ngunguna ngayon sa kampanya ng gobyerno laban sa ilegal na droga.

“But you know Bato has my support,” anang Pangulo.

Ikinuwento pa ng Pangulo na siya ang ninong sa kasal ni dela Rosa na isang second lieutenant ng madestino sa Davao City.

“He has been around, I was his ninong when he married, many many years ago. He was only 2nd lieutenant here. He earned his force here in Davao City and in Mindanao,” pahayag ng Pangulo.

Ipinagmalaki rin ni Duterte ang katapatan ni dela Rosa sa bansa at hindi sa kanya.

“And the guy…he’s simply loyal to the Republic of the Philippines. Not to me, because I’ve been saying to everybody,” pahayag ng Pangulo.

Sinabihan rin nito ang mga sundalo na hindi sa kanya dapat maging matapat kung hindi sa bansa.

“Do not nurture loyalty to me. I do not need it. You nurture the love for the country and then you are ready to die for it,” anang Pangulo.

Nauna rito, tinalakay ng Pangulo sa kanyang talumpati ang problema ng bansa laban sa ilegal na droga na katulad aniya ng ibang giyera, ipinag-utos na niya sa PNP at sa Armed Forces of the Philippines na sirain ang lahat ng apparatus ng droga.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with